OFW Struggles


Masaya sila pag nakakatanggap ng mga padala galing sa mga kamag anak na OFW pero sana man lang maisip din nila na sa kabila ng mga ngiti na pinapakita ay isa ding tao na naghahanap ng kahit kaunting unawa o kahit isang kamusta man lang. Masaya na nakakatulong at naiisip din pala ng mga pinadalhan.

Bigyan po natin sila ng kahit kaunting kaligayahan, kausapin o kamustahin dahil malungkot ang mag isa sa banyagang bansa.

Sana mabawasan ang mga kapamilyang pagkatapos na makapagpadala ay dedma na sa nagpadala.

Isaalang alang natin na kaya sila andun at nagsasakripisyo ay para din sa atin kaya makaganti man lamang kahit sa kaunting pag aalala.

Agree ka ba kabayan?

Share or comment mo lang para malaman natin ang saloobin ng isat-isa.

Comments

Popular Posts